the world's a stage

September 26, 2005

.....

I was just wondering, bakit ganun ang mga tao 'noh?! Sobra kung manlait. Akala mo sino silang perpektong nilalang ng Diyos. tsk tsk Aminado ako na minsan ganun din naman ako, pero alam ko kung kailan ako titigil. Alam ko kung kailan sobra na at 'di na tama. Ang problema naman kasi, akala nila, lahat nakakatawa. 'Di nila alam na minsan nakaka sakit na sila. Tapos pag sila naman ang nilait, ay sus! Mas masama pa sa torong galit! Heto pa, buti sana kung ang nilalait nila ay kilalang-kilala nila, eh hindi naman. Tapos 'pag pinagtanggol mo, kung anu-anong iisipin nila. Eh susmariasantisimatrinidad naman! Ako kasi, kilala ko 'yung tao, kaya ganun. Bakit ba kasi sa mundong 'to, parang wala ng ibang mahalaga kundi ang itsura ng tao?! Kapag pangit ka, lalaitin ka, parang 'di ka katanggap-tanggap sa lipunan. Hay, siguro 'di lang nila alam na sa totoo lang, mas gusto ko pa ang ugali niya kaysa sa kanila. At least siya, mas totoo. Ewan ko ha, palagay ko lang. Minsan kasi 'di na nila naiisip 'yung mararamdaman ng iba. Bakit ba napaka immature pa rin ng ibang tao hanggang ngayon?! Buhay nga naman. Tapos heto pa, 'pag nagkaroon ka ng kaibigan na 'di kagandahan o kagwapuhan, isang damukmuok na panlalait ang maririnig mo. Anong problema nila?! 'Di huwag nilang tingnan! Problema ba 'yun?! 'Di naman sila 'yung nakikipag kaibigan eh! 'Di lang nila alam kung ano ang mga pinapalampas nila. 'Di nila alam kung ano ang mahalaga. tsk tsk. Sabi ko nga, akala mo sinong mga perpekto. Bakit ko nga ba 'to sinasabi? 'Di ko rin alam. Siguro, nag-mature lang ng isa pang level 'yung utak ko at naisip ko 'to. Sobra ka na kasi. tigilan na ang baluktot na paniniwala. Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin dito. Wala na akong paki. Basta ako, nasabi ko kung ano ang tingin ko ay tama. Tapos.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home