the world's a stage

March 11, 2006

.....

Bakit ba ang labo ng buhay? Ewan ko. Hindi ko maintindihan. MALABO, hindi talaga malinaw. May mga bagay-bagay na akala mo totoo pero hindi naman pala; akala mo pwede na pero hindi sumasang-ayon ang pagkakataon. Parang pagkain. Gutom ka kaya gusto mo kumain. Maraming naka handa pero isa lang ang talagang gusto mo. Nagkataon namang marami kayong gutom at may batang gusto ang pagkaing nais mong kainin. Malamang ibibigay mo sa bata. At malamang din lang, sumasakit na ang sikmura mo sa gutom lalo pa't nawala ang gusto mong kainin. Kaya hayun at kinain mo na lang kung ano ang natitira pang pagkain kahit ang gusto mo naman talaga ay 'yung isa. Kinabukasan, ganun ulit. Gutom ka ulit at gusto mong kumain. Pagkita mo, hayun at naka handa na nanaman ang isa pa sa paborito mo, ngunit hindi tulad nung sa kahapon. Isusubo mo na sana nang mayroong ulit isang batang gutom rin na gustong kainin ang gusto mong pagkain. Malamang ibibigay mo ulit. Ewan. Malabo pero malinaw.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home