the world's a stage

May 09, 2006

gaya-gaya puto maya

...malaki ka na, mukha ka ng buwaya. You know what pisses me of aside from girls na sobrang arte and guys na mayayabang? 'Yung mga gaya-gaya. Naaasar ako lalo na 'pag ginaya na 'yung mga ideya ko at pati ang mga sinusulat ko. Nung una, okay pa kasi kaunti lang naman 'yung kinukuha niyang ideya galing sakin. Habang tumatagal, nakikita ko na kung anong meron dito sa blog ko, aba, na sa blog niya na rin. Hanggang sa kagabi, nakita ko na pati 'yung nakasulat sa blog ko eh ginaya na rin niya. You know why it pisses me off so much? Because my brain works so hard for the ideas that I have and then someone just rips it off? Dude, can you please stop it? Nakaka-asar na kasi. Kahit na i-credit mo pa ako, ang naka lagay lang naman din 'dun is 'yung mga ideas ko. Pero, pati ba naman 'yung naka sulat dito sa blog ko, gagayahin mo pa? Word per word pa! And it doesn't matter if it's just located at the side of your page and if it's just about 3 sentences. You still ripped it off from me and hindi nakalagay na credited sakin 'yun! Sana man lang ni-rephrase mo kahit kaunti kung gusto mo talagang sa'yo 'yung credits 'di ba? Siduro idol mo ko noh? Pwes, ayoko maging idol mo. Manigas ka. Well, unless you change what you've written in your blog and apologize to me.

para sa kabataan

Ito ang words of wisdom ni Bob Ong. This one is from his book Stainless Longganisa.

Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at di ka nila iisahan.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang kalse o absent ang teacher.

Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galing mo, kulit mo, lakas at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest, o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre-report sa trabaho para lang matulog.

Wag magmamadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling siyang mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e magmumukha ring pandesal. maniwala ka.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo nang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guiness Book of World Records, at maipagmalaki ka ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok na humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

Kung gusto mo maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mong maging teacher, piliin mong maging teacher na hindi nakakalimutan ng mga estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpentero, maging pinakamagaling na karpentero.

Mangarap ka at abutin mo 'to. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Hindi ako naniniwalang kailanagan ng tao mangarap dahil gusto n'ya ng pera, gusto n'yang sumikat, o gusto n'ya ng impluwensya. Side effects lang ang mga 'to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan siya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao niya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na syang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon.

-Bob Ong


buena mano

Hulaan niyo kung sino ang kauna-unahang bumili sa Kamiseta? As in 'yung first in history sa Kamiseta ng SM Sta. Rosa. Well, ako! haha Woohoo! Astig talaga! haha

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home