the world's a stage

June 22, 2006

ang pag-ibig

Ang pag-ibig ang pinaka dakila at mahal sa lahat ng mga damdamin ng puso. Lahat ay nagmumula sa pag-ibig: katwiran, katotohanan. kabutihan, kagandahan, Maykapal. Kapag wala ang pag-ibig, walang kahit anong magtatagal. Para sa bulag na isip, ang pag-big ay nagiging sanhi ng pagmamalupit at kasakiman. Sa buhay na puno ng hirap at pagdurusa, pag-ibig ang nagbibigay sa atin ng pagmamahal sa buhay. Paano na ang mga magulang kung walang pag-ibig para sa kanila ang kanilang mga anak? At paano ang mga anak kung walang pag-ibig para sa kanila ang kanilang mga magulang? Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi tunay na ligaya at kaginhawaan. Kung lahat ay mag-iibigan, mawawala ang pag-aapihan at lahat ng nagdudulot ng pasakit sa kapwa. Kung mayroong tunay na pag-ibig sa bayan, matutulad ito sa paraiso.

Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto


Ang mga katagang ito ay isang parte ng prosang isinulat ni Emilio Jacinto, and Liwanag at Dilim. Kung titingnan ay parang hindi panahon ng Kastila isinulat ang prosa. Ang totoo, parang isinulat ito sa ating panahon at tugmang-tugma ito sa mga nangyayari sa atin at sa ating bansa. Pansinin ang huling katagang, "Kung mayroong pag-ibig sa bayan, matutulad ito sa paraiso." Mukha bang paraiso ang Pilipinas? Huwag na tayong magsinungaling, malayo sa paraiso ang ating bansa. Marahil ay dahil na nga ito sa kawalang pag-ibig natin sa kanya. Ilang beses ko na ring nabanggit na kailangan ay mahalin natin ang Pilipinas. Sabihin na nating ako ay mayroong nasyonalismo sa aking pagkatao at marahil ay iniisip ninyong nahihibang na ako sa pagmamahal sa aking sariling bayan kahit na sinasabi ng ilan na wala namang mapapala sa Pilipinas. Pero bakit nga ba nagkaganito ang Pilipinas, hindi kaya't tayo rin ang may kagagawan?

on a lighter note

I was able to buy Esmie a gift last Monday. And yeah, Mela and I have the same gift for her. When she opens her gifts, she would already have a year's supply of lotion, soap and body wash (i think) from body shop. haha And yes, I already have something to wear. Well, it's not yet done but it's already in the sewing machine. It's a spaghetti strapped fuschia pink dress. But I still have one problem...I still don't have a bag! Sheesh.

On Saturday, after Esmie's debut, Mela and Karel will sleep over in our house! Yay! You know what that means?! We could go to church together and I'll show off anonymous. haha And I hope he's there. Oh God, please. It's my chance. It's my only chance. haha Pray for me. Pray that he'll be there on Sunday. Okay?!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home