the world's a stage

August 15, 2005

nakaka-depress

Nakuha ko na ang ilan sa mga marka ko sa exams. Nakaka-depress 'yung iba, lalo na sa Geometry. Biruin mo, 86% lang! Hay, buti sana kung matataas din 'yung nakukuha ko sa mga pagsusulit. Nakaka-inis! Pero medyo okay na rin 'yun. Tanggap ko naman na kahit kailan ay hindi ako magiging magaling pagdating sa mga numero. Gustuhin ko man ang Matematika, ang mga numero na rin mismo ang umaayaw sa akin. hehe Isa pa, tanggap na rin ng mga magulang ko na hindi talaga ako magaling doon. Saka alam kong nagawa ko naman lahat ng makakaya ko sa exam na 'yun! Dugo't pawis ko rin 'yun noh! Sinikap ko na matapos 'yun! Buti na nga lang at pumasa ako. Marami rin kasi ang bumagsak. Pero kahit na, hindi pa rin ako kontento sa 86 ko. Hay...sana lang medyo mataas pa makuha ko sa card. Kahit 88 lang masaya na ko. Gusto ko sana 90, kaso mukhang milagro na hinihingi ko. Hmmm...sa totoo lang, 'yun lang naman ang nakaka-depress kong nakuha eh. 'Yung Filipino ko, perfect 'yun dahil dun sa plus 10 ko sa comic strip. hehe Sobra pa nga ung marka ko eh! 77/75! hihi Tapos 'yung sa CLE naman, 71/75...96%. Ayos na rin 'yun! Kaso sentido kumon lang 'yung minali ko! Asar! Sa Arts naman, 7/10. Ayos na rin 'yun. 'Yun pa lang mga alam ko. Natatakot ako sa marka ko sa Chem. Sana mataas. Basta, sana mataas 'yung mga marka ko sa card.

Kailan???

Alam niyo ba 'yung kanta ng MYMP na Kailan? Hanep! Nakaka LSS! Kahapon pa ako LSS dun eh!Tingnan ninyo 'yung gif dun sa tabi, 'di ba parang ganyan 'yung sinasabi nung kanta? haha Wala lang! Bibili na nga ako ng cd ng MYMP. Kaya lang, baka abutin nanaman ng ilang buwan bago ako makabili nun. Kailangan ko pa amg-ipon at hindi lang naman iyon ang pinag-iipunan ko! Tapos 2 pa ung cd nila. Bahala na nga! Kasi, nakaka adik sila sa totoo lang! hehe 'Yung tipong kapag narinig mo sila, hindi mo mapigilan makinig. Ganda kasi ng boses ni Juris eh! Parang pampa kalma. hehe Ilalagay ko ulit 'yung lyrics ng kanta. :)


Kailan
MYMP


Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita

Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo

Maaari na bang magpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin


Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home