the world's a stage

August 14, 2005

♥ nakita ko SIYA! ♥

(Oo nga pala, simula ngayon ay tagalog na ang gagamitin ko hanggang sa magtapos ang Agosoto. Tutal Buwan naman ng Wika. Medyo huli na ko pero hahabol pa rin! hehe) Ayun, medyo nakakainis kasi nag hang ang computer eh patapos na ako dapat dito sa sinusulat ko. Ngayon, kailangan ko nanamang ulitin! Hay, hayaan na nga natin. Masaya ako ngayon dahil nakita ko siya! :) Medyo nakaka asar nga lang siya. Biruin mo, nagbigay ako ng mensahe sa friendster niya eh hindi man lang nag reply. Pero, sige, palampasin na lang. hehe Sa bagay, baka 'di na niya ako naaalala. Kanina, nakita ko rin si Siya # 2 at Siya # 3. Wala akong gusto sa kahit na sino sa kanilang dalawa. Sa katunayan, medyo nakaka inis nga sila eh. Sila 'yung dalawang eepal-epal. Masyado atang brutal 'yung pagkakasabi ko. Ulitin natin, sila 'yung dalawang papansin. Sila 'yung tipong kung nasaan ka ay andun sila. Kung saan ka dadaan ay doon din sila dadaan kahit na masikip na. Kapag malapit ka sa kanila ay biglang lalakas ang kanilang mga boses. Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Siya # 2 kaya laking gulat ko nang makita ko siya kanina sa may pinto ng simbahan. Hayun, naka tingin nanaman. Hanggang sa makalampas na kami sa kinatatayuan niya ay sinusundan pa rin kami ng tingin. Sa totoo lang, medyo nakakatakot at nakakainis! Parang stalker kasi ang dating niya. Matagal na siyang ganun. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Hindi ko naman siya kilala. Si Siya # 3 naman ay mas epal, este papansin sa kanila. Siya naman 'yung biglang lalakas ang boses kapag malapit ka sa kanya. Hay, mga papansin talaga. Kung may kailangan sila, bakit hindi na lang itanong? Hindi 'yung parang mapapapansin sila. Nakaka irita!

Haaay...

Haaay...parang 'yun na lang masasabi ko. Sa totoo lang, 'di ba nakakapagod maghintay? 'Di ba? 'Di ba? Kaya nga hanga ako sa mga taong ang tatatag eh! Tulad na lamang ni Bea. Taon na ang binibilang niya sa kakahintay. Galing noh?! Pero parang susuko na rin siya. Nabasa ko ang blog niya at sinabi niyang hindi siya maaaring maghintay habang buhay. Totoo 'yun. Sa tingin ko rin naman ay hindi na tama ang maghintay ng habang buhay. Pero kanya-kanyang desisyon na rin 'yun. Haaay...........'yun lang. :)

UAAP na ulit!

Pangalawang round na ng eliminations! Kanina napanood ko ang laban sa pagitan ng FEU at UE! Ang galing ng UE! Biruin mo, natalo nila ang FEU! Unang pagkatalo ng FEU. Ang galing talaga! Hanep! Saludo ako! Sana makapasok sa final 4 ang FEU, UE/UP (alin sa dalawa), La Salle at Ateneo! Tapos ang championships ay La Salle at Ateneo! haha
Para exciting! Tapos mag chchampion ay La Salle! haha Sana.. :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home