HEADLINES: Gas na natapon, electricfan na nag-liyab!
Our classroom was about to be burned awhile ago!!! Una, natapon 'yung gas sa project nila Gem kaninang umaga. Nung hapon naman, nagliyab 'yung electric fan sa classroom. Buti na lang at hindi nahulog 'yun! Dahil kung nahulog 'yun, sigurado wala na kaming classroom. 'Yung paghuhulugan kasi nun, 'yung lugar kung saan natapon ung gas. haha Hay, ako naman si engot na hindi lumabas agad ng room. haha Tinatapos ko kasi 'yung ginagawa ko. haha Kahit na nakita ko na 'yung apoy, 'di pa ko lumabas. Pero nung lumalaki na, medyo natakot na ko, saka ako lumabas. haha Grabe, dami nag-panic. haha Ba't nga ba ko tumatawa? haha Ewan! Kakatuwa kasi 'yung mga reaction ng mga classmates ko kanina. haha Lalo na ako, walang paki. haha
suspended kami! yehey!
Masarap ba ang masuspend?! Magbubunot lang naman kami ng makahiya at pupunuin ang 2 plastik bag. Pero sabi nila nung una, 1 lang daw. Ba't naging 2?! Ang daya talaga!!! Para namang ang laki-laki ng kasalanan namin noh?! Nakaka-inis lang kasi eh, parang sobra naman yata 'yun! Ayos lang naman na parusahan kami, pero 'yung ganung parusa?! Sigura may mali kami pero 'di naman kami napagsabihan nung una palang eh. Kung siguro pinagsabihan kami, 'di aabot sa ganito. Hay buhay nga naman...
paalala lang!
Kung may makabasa man nitong admin o teacher ng St. Scho, blog ko po ito. Kung ano man ang sabihin ko dito ay kung ano ang sinasaloob ko. Hindi naman siguro bawal ang magsulat kung ano ang saloobin ko 'di ba?! Hindi bawal ang ilabas ko ang nararamdaman ko. Ang blog ay blog. May karapatan naman siguro kaming ilabas ang nararamdaman namin sa ganitong paraan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home