the world's a stage

October 04, 2005

i will think before i speak

The line I will not forget my whole life. I can't believe I (actually, we, the whole class) wrote this in 2 sheets of 1 whole pad paper back to back. Oh well, I guess it's a lesson to be learned.

kaya sa susunod...

Hinay-hinay lang mga tao, lalo na sa mga panlalait ang pang-aasar na nakaka-insulto. Hindi natin alam na may mga taong natatapakan at nasasaktan na pala natin. Hindi pare-pareho ang lahat ng tao. Ia-iba ang limitasyon ng bawat isa. Dapat alamin natin kung hanggang saan lang tayo. Tulad ng sinabi ko tungkol sa panlalait, hindi lahat ng tao ay perpekto. Ikaw, kung manlait ka, akala mong sino kang perpekto?! Hindi naman sa ipinagtatanggol ko ang taong ayaw ninyo. Hindi ko naman maaaring idikta sa inyo kung sino ang gugustuhin ninyo. Ang akin lang, isipin din natin ang nararamdaman ng iba. Eh kung ikaw kaya ang tawaging bruha?! Marahil sa iba ayos lang ngunit sa iba, hindi. Tulad ng sinabi ko, iba-iba ang mga tao. Ako, inaamin ko na hindi ako madaling maasar pero minsan sobra na din, nananahimik na lang ako. Inaamin ko rin na alaskador ako, pero alam ko kung kailan ako titigil. Sana kayo rin, alam ninyo. :)

para dun sa mga taong..

...alam niyo na, pasensya na kayo. Kailangan ko lang naman sabihin kung ano 'yung alam ko at narinig ko kanina. Wala naman sanang personalan. Saka siguro nga, kaibigan ko kayo kaya sa tingin ko ay kailangan rin matuto ng aral. Siguro sa pamamagitan nito ay malalaman niyo na ang tama sa mali at hindi na ito uulitin pa. Hindi niyo lang alam, kahit ako minsan, naiinis na rin sa mga lumalabas sa bibig niyo. Hinay-hinay lang mga tao. MAG-ISIP BAGO MAGSALITA.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home