the world's a stage

May 20, 2006

OC

And I mean obssesive compulsive. My dentist is OC with my teeth. For the past months (since early this year) she's been telling me that my bite is already perfect and my teeth are already nice. Awhile ago, I went to her nad once again, she told me that it's perfect and that she's already happy. Pero tinanggal na ba niya braces ko? Hindi pa rin! In fact, she changed my wires pa. She told me she'll take it out end of June. END OF JUNE PA?! Never mind. As if I can do anything about it. I'll wait 'till that day comes.

reading

Magbasa ka ng libro. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki ng lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan --kung puno ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha. -Bob Ong


How much more can I stress the importance of reading? Reading is vey important. It teaches you a lot of things; from facts to values and morals to lessons of life. We learn from reading and it makes us smart. We may forget about what we learn in school now but it is reading we should never forget. Bob Ong said it right, there are no people you can pity more than those who are literate but do not read.

Marami ang gustong makapag-aral at matuto. Sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi, kaunti na lang ang nabibigyan ng sapat na edukasyon. At tayong mapapalad na nakakuha nito, huwag natin itong sayangin. Maraming bata ang gustong magbasa ngunit hindi nila kaya. Kaya naman, marami rin sa kanila ang lumalaki na iliterado. Sabi nga, no-read, no-write. Eh ikaw, nagbabasa ka ba? Kung hindi, mag-umpisa ka na. Libro, dyaryo, o kahit na magasin lang, ang importante, magbasa ka. Umpisahan mo sa paunti-unti hanggang sa magustuhan mo ito. Maniwala ka, kung uumpisahan mo, maitutuloy-tuloy mo.

Tandaan mo, walang taong may gusto na ang kausap niya ay walang alam sa mundo. Kahit ako, mas gusto kung ang kausap ko may kwentang kausap. Smart, kumbaga. At hindi mo kailangan maging cum laude para maging smart. Ang pagbabasa ang unang hakbang upang maging smart. Sabi nga, invest in your mind.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home