parang mali na lahat
Oo, parang mali na nga lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Depressed ako, maniwala kayo o sa hindi. Una, 'yung sa pamilya namin. Alam ko wala ng pag-asa 'yun eh, pero syempre, 'di mo maiwasan na umasa kahit na konti lang. Tapos ngayon, aalis pa 'yung mommy ko pati si Anton. Pangalawa, sa school. Wala na, bagsakan na siguro talaga ako ngayon. Aasa pa sana ako ng merit eh, kaso milagro na lang ulit 'yun. Biruin mo, sa chemistry, 85% na lang daw 'yung pinaka mataas na makukuha namin sa card. Malamang hindi pa ako 'yung makakakuha nung pinaka mataas na grado. Kaya sa palagay ko, mga 83 na lang 'yun. Pangatlo, naiinis na talaga ako. Pero hindi rin naman niya kasalanan. Kasalanan ko. Inaamin ko naman 'yun eh! 'Di naman niya alam na ganun na pala. Kung ipapaalam ko? Bahala na. Bahala na si Lord sa akin. Parang hanggang asa na lang ako. Ano ba dapat? Mali na ba talaga ang umasa? Parang dun na lang ako magaling eh. Parang 'yun na lang talaga ang kaya kong gawin. Hay Ayeen, dapat ang lagi mo na lang inaasahan ay ang pinaka masamang pwedeng mangyari. Ika nga sa ingles "always expect for the worst." Pero hindi kasi ako ganung tao. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko, sa totoo lang. Nag patong-patong nanaman lahat. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Hindi na talaga ako dapat umaasa dahil wala na rin namang dapat na asahan pa. Ititigil ko na talaga to. Sana lang tulungan ako ni Lord. Nahihirapan na rin ako eh. Nakatawa man ako, sa loob ko, laging may kulang. Haay...hindi na rin mapupunan 'yung pagkukulang na 'yun. Isa pa, inaamin ko na may ka-engotan din ako. Kung 'di ko lang sana hinayaan 'yung sarili ko. waaaaa! Ayoko na talaga!!! Tama na!!! :/
panalangin
Alam niyo ba 'yung panalangin para sa mga desperado na? "Lord, if he's the one, please let everything fall into place. But if he isn't...Lord pwede siya na lang? Dasalin ko na rin kaya 'yun? haha 'Di pa naman ako desperado. Malapit-lapit na. hehe Tama na nga. Maloloka na ko. Pakasaya na lang tayo! :)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home