just got home
Just got home from Valle Verde. We visited our cousin (yeah, our one and only cousin) who just gave birth. The baby's name is Anika Beatrice. Or is it Beatriz? haha She's sooo liitle! She's only 4.16 pounds. They said I was that small when I was born. (heck, and I didn't grow) Anyway, the baby was so cute! :)
the love story
Just got this one from Candymag.com but it's origin is Friendster. hihi It's a love story. It's nice! Read it! :)
Syet! Kaya pala di ko mahagilap ang loko sa buong school ay dahil may bago na namang kinalolokohan. Sabi, magbi-billiard daw kami, yun pala, kung anu-anong extracurricular activities ang
pinagkakaabalahan.
Hay naku! Ang hirap talagang ma-inlove sa bestfriend mo. Walang
kasiguraduhan. Ang hirap pa nito, three years na kaming magkaibigan.
Masyado kaming malapit. Ultimo kaliit-liitang detalye sa buhay niya
ay alam ko at gayon din naman siya sa akin. Ang tagal ko na palang inaalagaan itong pgsintang pururot na ito. Imagine, three long years. Di man lang makahalata! pagkamanhid-manhid!!! hmpf... pero siyempre ayaw kong magpa-cute... me pride to noh! kahit hirap pigilin.
Actually, nag-ki-click kaming dalawa kasi pareho kami ng trip sa
buhay. We share the same hobbies. Sabi nga ng iba, bagay daw kami
pero tatawanan lang namin 'yun sabay magko-chorus ng "di kami
talo, 'no!"
"Lam mo kasi Meg, kung magdadamit babae ka lang, anong panama ni
Heart sa'yo?" kantiyaw pa nila. Binatukan ko nga isa-isa. Loko 'tong
mga 'to, ah! Tuturuan akong magdamit.
Frankly speaking, tama sila. Boyish kasi ang dating ko. Tapos 'yung
mga hobbies ko, eh, panlalake pa. Pero babaeng-babae ako by heart,
take note! Nakasanayan ko na ang ganito mula nang namatay ang parents ko at matira ang apat na barako kong kapatid.
Alam lahat 'to ni Mark, ang mahal kong bestfriend. Minsan, sabi niya
sa akin, "Sagutin mo na kasi ang isa sa mga manliligaw mo para foursome tayo pag nag-date. At saka p're, beauty ka naman, eh." Sabay akbay sa akin.
Mangani-ngani ko nang batukan. Ang hirap na ngang maghintay at umasa, bubuladas pa ng ganon.
Actually, hindi ako comfortable sa mga bestida at palda. Mas gusto
ko pa 'yung maong at tshirt with matching sneakers.
Pero teka, three hours na siyang wala ah! Ang tagal naman 'atang
maghatid ng babae niya. Baka kung saan na sila nagpunta. Naku! Huwag
naman sana doon.
Ehem! Dumating na ang loko. Kaasar! Ang ngiti, abot-tenga. "P're,
teka lang! Pumapanget ka, eh! 'yung kilay mo, salubong na. Let me
explain first", bungad niya.
"Di ko alam na may brand new victim ka na naman", kanda-tulis ang
nguso ko.
"Ah, si Irene, I met her when she approached me during the team
practice. My teammates introduced me to her. kanina, coincidence
lang na nagkita kami and she asked me to accompany her in her
friend's birthday, so I joined her. I think she's nice and I think
too, that I'm in love with her," proud pa niyang sabi sabay ngiti.
"Neknek mo! Mamaya diyan, mag-emote ka na naman gaya ng nangyari sa
inyo ni Crissy." sabi ko. Si Crissy 'yung last girlfriend niya na
niloko siya dahil tatlo pala silang boyfriend nito.
"Well, this time, I'll make sure that it won't happen again." "Tingin ko nga eh...kasi tatlong oras mo akong pinaghintay."
"Halika na nga. Iti-treat na lang kita."
Naging constant date ni Bespren si Irene na mukhang cellphone. Grr,
modestly aside (ulit!), mas maganda pa ako sa mga naging girlfriends
niya. Correction, I'm not sour graping 'coz I'm just telling the
truth.
Hay, naku! Nakalimutan na 'ata ako. Two weeks na kaming di nagkikita. I think he's serious about the girl. Later I found out
that he's courting her. Aray! Masakit, ah. Di na ko nasanay. Ilang
babae na ba ang nagdaan sa buhay niya? At ilang beses na ba akong
umiyak? Tinigil ko na ang pagbilang.
Ni ha, ni ho, wala talaga. Palagi nang absent sa mga subjects namin.
Tinamaan ng lintik, bahala siya sa buhay niya. Di ko mahagilap.
One day, sa billiard hall...
"Meg, congratulate me, P're. Girlfriend ko na si Irene," di niya raw
tinigilan. Excited pa siya nu'ng binabalita sa akin. Nakuha raw sa
tiyaga.
Parang hinang-hina ako. Kailangang sumandal ako. Tingin ko, bugbog-
sarado na ang puso ko.
"Really?", kuha ko pang ngumiti (plastic ako eh...).
"Mamaya, inuman tayo. Tayong dalawa lang. 'Lam mo, P're, aalagaan ko
na itong relationship ko with Irene. I love her very much," at nag-
day dreaming na ang loko. Sarap talagang batukan.
"Hoy, Mr. Mark Garcia, baka nakakalimutan mo, ang dami mo nang
absences. At saka, may project tayo sa lahat ng subjects. Malapit
na ang finals, mag-aral ka naman. Porket nakilala mo lang 'yun, eh,
nagkaganyan ka na," nakapameywang kong sabi. Mark is a constant
scholar and I wonder kung mare-retain niya 'yun. "With the girl of
my dreams, mas lalo akong na-inspire ngayon. I'll go talk to all
professors."
Pinahiram ko siya ng mga notes and he survived.
Mark is every girl's dream and ideal man. A varsity player, a
consistent scholar and with the killer looks. He's also immensely
rich with good traits at may kaya rin ang pamilya niya.
After the final examinations, nanood kami ng "My Bestfriend's
Wedding." Buti nga, di sumama si "mukhang cellphone". Nayaya daw ng
barkada, sabi ni Bespren.
Come to think of it, parang gusto kong mag-emote habang nanonood.
Parang nakakarelate ako pero, Diyos ko, ayoko pong in the end, eh,
ako ang magsasabing "My Bestfriend's (Mark) Wedding". Please, oh
God, I love him very much.
There's one particular scene na talagang napaiyak ako agad, that's
the wedding scene. Feeling ko, si Julia Roberts ako. Iniisip ko pa
lang na mawawala siya sa akin, parang gusto ko nang mamatay.
"P're, ok ka lang? Napaka-senti mo pala. Paiyak-iyak ka pa diyan.
Corny mo ha! O, hayan, the end na. Let's go," sabay hila sa kamay ko.
'Langya 'to, ang daming sinabe, eh, kung bakit ako nag-eemote dito.
Syet! Napakalaking eskandalo. Kahiya!"
Second Semester...
"Meg, can I talk to you?" Bungad niya sa akin pagpasok ko pa lang ng
room. It was two weeks after the classes started. "O, what's up? You
look upset. Problem?"
"Sana, you'll understand. About Irene. You know from the start that
I love her. Eh, ano, God, how will I say this? Meg, she's jealous
about you. Masyado raw tayong close. Bawas-bawasan ko raw ang
pakikitungo sa'yo," he said trying to control his voice.
Shock naman ako. Ako, pagseselosan? Grabe. It's absurd. May titiling
yata sa ulo ang babaeng 'yun. Di ko 'ata alam kung paano mag-
react. "O, ano? Tumahimik ka na diyan."
"E, kasi naman, sira-ulo pala 'yung girlfriend mo eh... alam naman
niyang magkaibigan tayo eversince..."
"Selosa siya, P're. So please Pare, bear with me."
Actually, masakit. Dahil lang sa babaeng 'yun! Parang gusto kong
sumbatan si Bespren. Para kasing ipinagpalit niya ako sa
babaeng 'yun, to think na matagal na ang pinagsamahan namin.
Then he spoke, "Sana, 'wag kang mag-isip na mas pinahahalagahan ko
siya kaysa sa iyo kaya lang, mahal na mahal ko siya, eh... Know
what? 'Pag nakita mo na ang lalaking para sa iyo at ma-inlove ka ng
todo, maiintindihan mo ako."
Damn you, Mark. Nagmamahal na ko, three years ago pa. "Okay, tama
na. Nag-monologue ka na diyan. Sige, didistansiya na muna ako."
"Di ka galit?"
"Of course not." (Plastic talaga ako eh... Orocan ang brand).
I can't imagine, all of a sudden, solo flight na ako. Wala na akong
kaututang-dila. Wala na akong kasama sa pag-bibilliard at paglalaro
ng basketball. Higit sa lahat, tumamlay na ang mundo ko.
Love means sacrifices and I'm ready for it. Okay lang, sana,
maligaya siya sa piling ng babaeng 'yun.
One afternoon, sa garden ng bahay namin, an unexpected visitor
came...it's Mark.
"P're, inuman tayo," salubong agad niya sa akin. Mukhang problemado
ang mama.
"Himala ng mga himala. Ano'ng milagro 'to? Buti, pinayagan ka ng
bantay mo?", sabi ko habang sini-switch ko 'yung radio. I chose an
FM station.
The song "heaven knows" by rick price, naging background namin.
Quite romantic, isn't it? Good Lord, buti na lang, wala ang mga
asungot kong mga kapatid kundi tutuksuhin na naman nila ako kay Mark
kasi they won't believe na friends lang kami.
"Break na kami." Parang na-bingi ako sa sinabi niya."Paki-ulit nga."
"We parted ways. That woman, kagaya rin siya ng ibang babae."
Di ko alam kung magtatatalon ako sa tuwa o makikisimpatiya ako sa
kanya. I went to the kitchen to prepare a merienda.
"Meg, 'yung beer."
"Hoy, Mark, baka biglang dumating ang mga Kuya. O, etong mango
juice. Teka, ano ba'ng nangyari?"
"Curse her, Pare. I saw her with another man. Don't tell me na baka
pinsan niya 'yon or kapatid dahil they are actually kissing, sa
lips. Then, kanina, she call it quits 'coz she's no longer happy
with me. That girl, lahat ng kapritso niya, sinunod ko even the most
difficult one 'yung tungkol sa'yo tapos, ito pa 'yung igaganti niya."
"Pare, ba't gano'n lahat na lang ba ng mamahalin ko, eh, iiwan ako?"
Napaiba ako ng direksyon. Gusto ko na kasing batukan. Nangangati na
ang kamay ko. Iiwanan daw siya, eh, hanggang ngayon, hopelessly
inlove pa rin ako sa kanya.
"Meg, say something."
"Something."
"Corny! Ano? Para kang natigilan."
Buti alam mo.
"E, kasi, hanap ka pa ng hanap kung saan-saan, eh, meron naman diyan
nagmamahal sa'yo ng lubos at matagal na niyang inaalagaan 'yon."
Shame! Lagot ako! Bruha talaga ako, baka makahalata.
"What do you exactly mean by that?"
"Err, what have I said? Kainin mo na nga 'yang cheescake." Deadma
galore (palusot!)
"No, I heard it right. At sino naman 'yun?"
Teka, ba't parang iba na ang timplada ng mukha niya? At saka, ba't
palapit na siya ng palapit? Tingin ko, ang gwapo-gwapo niya. Ala!
Nasa harapan ko na. Then inalis niya 'yung bullcap ko. Kinalag
niya 'yung pagkakatali ng buhok ko. Bumigay ang buhok kong hanggang
baywang. Hey, what's this?
"Ah, eh. Ano-" Stop stammering. Damn!
"P're, talagang maganda ka na, noon pa man. Buit wait, sino ba 'yung
sinasabi mo?"
Now, his arms were wrapping my body. Aba, parang sumusobra na 'to
ah! Pilit ko siyang tinutulak palayo pero ang higpit ng pagkakayakap
sa akin.
"Hindi kita pakakawalan hangga't di mo sinasabi sa akin kung sino 'yun?"
"Blackmailer."
Huli na, wa na. Bistado na.
"Langya ka, Mark. Matagal na kitang mahal. Di mo ba nahahalata? Ang
tagal kong itinago dahil baka pagtawanan mo lang ako." I'm
hysterical and I can't stop from crying. At long last,nasabi ko
lang.
"Hush, honey. I have my fair share of confession, too. Mahal na
kita. P're, noon pa pero I have to ignore the feeling kasi kaibigan
kita. Kaya ang dami kong niligawan 'coz it's my way of forgetting
you. Nang dumating si Irene, akala ko siya na ang pwede kong
ipagmalaki sa'yo. In fairness to Irene, minahal ko siya, pero
kanina, nabuhay 'yung pinagkatagu-tago kong pag-ibig sa'yo"
Sarap! kiligs...
"Do I need to change my identity? Di ba tipo mo 'yung mga sophisticated women?"
"Honey, n'ung minahal kita, ganyan ka na talaga. By the way, I won't
call you pare anymore. Di ata magandang pakinggan, di ba?"
Pero kanina pa nakalingkis yung mga kamay niya sa akin, eh...
Kumawala ako."Mr. garcia, nakakahalata na ako, eh... Kanina ka
pa," sabi ko, then he let go of me.
"One more thing, di kaya kailangan mo akong ligawan?"
"WHAAAT?"
"But of course."
"Pero-"
"No ifs, no buts."
"Okay, okay, I'll start today."
Isn't it cute?! Reminder, I was not the one who wrote that :)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home