panalo La Salle!!!
ANIMO!!! Panalo ang La Salle kanina laban sa UP!!! :) Kaya nga lang, 'yung huling laban nila nung Huwebes laban sa UE, natalo sila. Pagkatapos ng laro ay nagreklamo ang UE na hindi pumasok ang bola na shinoot ni Villanueva. Kaya ayun. awww :( May 2 laro pa ang La Salle at para makapasok sa Final Four ay dapat manalo sila sa parehas na laban at sana (alam ko masama ako..mwahaha) sana...matalo ang UP at UE sa mga laban nila. :) Pasensya na sa may mga fans diyan. Okay naman 'yung dalawang eskwelahan eh. 'Yun nga lang, sila ang ka-kumpetensya ng La Salle ngayon. :)
buhay nga naman
'Di ko maintindihan. Alam ko pinagdasal ko kay Lord 'yun, pero hindi ganito. Lord naman oh, sana sa ibang paraan naman. Ganun na ba ko kalakas sa inyo at sobra-sobra 'yung binibigay ninyo sa akin? Pero parang gusto ko na bawiin, mas hindi ko yata nagugustuhan to. :/ Bahala na nga si Lord...
asteeg!!!
Napanood ko ang bagong video ng Hale! Grabe, ang asteeg, sobra! Ang cute nung video. Tapos ang cute ni Sheldon (may part dun na ngumiti siya, tapos na sa kanya 'yung camera.haha) Tapos ang cute ng gitara ni Champ!!! 'Yun 'yung ginamit niya sa gig nila dito sa Pavi. Kulay green! hehe Wala lang! :)
Suntok sa Buwan
Heto, naaayon sa kalagayan ngayon. haha Tae.
Suntok sa Buwan
Session Road
Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan
'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan
Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo
Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin
'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin
Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home