the world's a stage

August 31, 2005

Ber months na!

Umpisa na ng ber months bukas! Ang bilis 'di 'ba? Sobra! Parang kakatapos pa nga lang ng pasko at ng bagong taon. Parang katatapos pa lang ng summer tapos ngayon ber months na ulit. Panahon nga naman, 'di mo alam natatangay ka na. Sabi ba nga sa kantang Burnout ng Sugarfree, O kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay..." Maya-maya lang, sa isang iglap, 'di natin namamalayan, magtatapos na kami sa pag-aaral. Hindi ba pwedeng pabagalin ang oras? Kahit kaunti lang...

Ikaw, manhid ka ba?

'Yan ang pinag-uusapan namin kagabi. Si Nicole ang nag-umpisa niyan. May pinapatamaan kasi siyang tao kaya ang status niya sa ym ay "Bakit ba ang daming manhid sa mundo?!" Tapos sumunod-sunod na sila Mikee, Patcha at Kay na nagtatanong kung manhid sila. Tapos sumunod ako. Aminado naman ako eh, manhid ako. Yelo nga ako 'di ba? Pero ang yelo, natutunaw din. Ako, unti-unti nang natutunaw. Hmmm...siguro kung dati 100% akong manhid, ngayon mga 90% na lang. hehe Mataas pa rin pero buti nga nabawasan. Ewan ko ba pero sa sobrang pagka manhid ko, kahit buong klase na ang umiiyak, ako wala lang. Iniiyakan ko nga lang daw eh grades ko. :/ Medyo totoo. Medyo lang. Iniiyakan ko rin naman ang ibang bagay. Hindi lang talaga mababaw ang luha ko. hehe

tsk tsk

Alam ko naman 'yun eh. Matagal na. Pero kailangan pa bang ipagdiinan 'yun?! Talaga bang kailangan sabihin na "wala naman akong pakialam sayo eh!" Ay ewan! tsss

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home