nakaka-inis
Naiinis ako sa sarili ko! Tama nga 'yung hula ko na bagsak ako sa computer exam namin. Sinabi ko na rin sa mga magulang ko na huwag na umasa sa merit card ko at huwag na rin umasa na mataas ang mga grado ko. Sabi nila ayusin ko na lang daw ngayong ikalawang markahan. Pero bakit ganun? Hindi man lang sila nagalit?! Nakakpanibago yata 'yun. Sa bagay, nakita naman sila kung paano ako nag-aral eh. Alam naman nila na ginawa ko na lahat. Pero hindi ako kontento eh. Ako mismo ang naiinis sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong nagawa ko ang dapat kong gawin pero parang kulang pa rin 'yung mga 'yun. Kulang pa nga ba o hindi lang talaga ako kontento dahil alam kong kung nakaya ko magkaroon ng merit noon ay kaya ko rin ngayon? Kung alin man sa dalawa ang dahilan, wala na rin akong pakialam. Basta pagbubutihin ko na lang ngayon. Sa totoo lang, kahit anong gawin ko, frustrated pa rin ako sa sarili ko.
Bakit nga ba?!
Minsan ba nagawa niyo na magtanong sa sarili niyo tungkol sa isang bagay na ayaw niyo naman marinig 'yung sagot? Pero dahil sadyang makulit 'yang utak mo, itatanong at itatanong mo pa rin sa sarili mo kahit na paulit-ulit na tulad ng isang sirang plaka 'yung sagot na ayaw mo marinig? Bakit nga ba ganito tayo?! Hindi ba pwedeng hindi na lang magtanong sa sarili para hindi mo na rin marining ang knatatakutan mong kasagutan?! Sa kasawiang palad, hindi pwede. Sa palagay ko, kaya tayo ganito ay para mas makilala natin ang ating mga sarili. O kaya naman ay para maliwanagan tayo sa isang bagay o 'di kaya naman ay upang matutunan natin tanggapin ang isang bagay. Tulad ko, ilang beses ko na ba tinanong ang sarili ko tungkol dun? Marami na, hindi na nga mabilang eh. Paulit-ulit 'yun hanggang sa natutunan ko tanggapin sa sarili ko na ganun na nga. Tapos ngayon, paulit-ulit ko nanamang tinatanong sa sarili ko ang tungkol sa isang bagay. Ayoko man marinig ang sagot, kailangan ko ulit-ulitin para matutunan kong tanggapin. Tanggapin na kailanman ay hindi mangyayari ang mga iniisip ko. Ayaw ko man marinig ang mga sagot sa aking mga katanungan ay ito ang dapat gawin. Haaay, naiintindihan niyo pa ba ang mga sinasabi ko?! Ah basta! Isang paraan para matanggap ang katotohanan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home