salamat!
Salamat at natapos ko na rin ang blog ko! Pasensya talaga sa mga bumisita. Kasi ba naman, kung may mas tatanga pa sa pinaka tanga, ako na 'yun. Nabura ko lang naman ang buong html code ko para dito. O 'di ba?! Kung hindi pa naman katangahan ang tawag dun eh ewan ko na lang. Inulit ko sa umpisa lahat. Nagpuyat ako kagabi. Kanina maaga ako gumising, matapos lang 'to. 'Yung una ko ngang plano kulay itim ang kulay kaso nasagwaan ako. hehe Kaya heto, balik sa puti. 'Yung nasa taas na lang 'yung itim. Alam ko, 'di talaga yan gaanong kaganda. :)
Kahapon
Kahapon, nanood kami ng Hale sa Pavi!!! Grabe, ang saya! Kahit nabasa kami ng ulan at nagmukhang basang sisiw, ayos lang! harhar Nung andun na 'yung pila sa may hagdan papunta sa stage, hindi pa kami pinaakyat nung guard. Eh palakas na ng palakas 'yung ulan nun. Ako 'yung nasa unahan ng pila. Nakita ako ng tatay ni Champ. Pinagsabihan niya tuloy 'yung guard. haha Buti nga! Sabi niya, "Paakyatin mo na yan, basang-basa na oh! Nakaka awa na. Paakyatin mo na." Ayun, pinaakyat kami. :) Nakita ko nanaman si Champ! Tapos si Sheldon, nakita kong naka ngiti ng matagal. Kasi 'yung katabi ko, ang bagal kumuha ng picture. Ayos! Tapos si Omnie...haha nakakatawa lang talaga siya! Ewan ko kung bakit. Basta sa tuwing makikita ko siya, natatawa ako. :) Pero bago kami pumunta sa gig ng Hale, gumawa muna kami ng proyekto sa Chem. Dapat 10.30 ng umaga kami magkikita-kita sa Pavi. Kaso nahuli si Carlene. Kaya nag-ikot muna kami. Dumaan kami sa Sprint Digital, nagpa print ng litrato galing sa phone. At andun nanaman 'yung lalaking feeling close. Pagpasok namin sabi ba naman, "Ikaw nanaman! Ano ginagawa mo dito?!" Grabe ha, kailangan talaga ganun?! 12.00 na naka rating si Carlene. Kasama niya mga pinsan niya (na pinag-tripan pa ko! Tinakot ako sa proyekto namin! Nabsag daw nila. tssss) . Tapos pumunta kami sa bahay nila Vianna para kumain at gumawa ng proyekto. Bumalik kami sa Pavi pagkatapos. Ang dami ng tao pagdating namin. Pero naka kuha kami ng upuan! haha Diskarte namin! :) Basta, astig kahapon, kasama pa namin si Esmie! :)
Nakaka inis!
Bakit nga ba ang daming epal sa mundo? Manyak pa! Kahapon, nung pumasok ako ng Jollibee, may nadaanan akong grupo ng mga lalaki na kumakain. Papunta ako kina Ej nun. Tapos pag labas ko, aba, tiningnan ako (este, tinitigan pala..eek!!!) tapos sabi nung isa dun, "Hi Miss! Hi! Hi!" Malamang 'di ko siya papansinin. Kadiri! Tapos paulit-ulit 'yun. tssss Kasama ko si Esmie nun eh. Sabi nga ni Esmie sasapakin niya. haha Sayang, sana pala binigyan ko sila ng flying kick noh?! Nakaka inis talaga! grrr Mga walang magawa sa mundo!
Kanina
Kanina, pumunta ako ng derma. Hanep, sabi ni Dra. Sahilan, magpalinis daw ako. Eh di magpalinis. Eh unang beses ko, mahapdi pala talaga! waaa tsk! Hapdi tuloy ng mukha ko.
Tama ako 'di ba?!
'Di ba kapag may karelasyon ka na, sasabihin mo sa iba? Ibig kong sabihin, 'di mo lang basta-basta sasabihin na kakilala mo 'yung tao. Sasabihin mo na gf/bf mo siya. Tama ba ko?! Baka naman may bago nanamang uso ngayon. Uso na ba ang i-deny ang isa't-isa?! Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano sila nagtagal. Pano nga kaya?! Tingin ko nga nag gagag*han lang sila. :/ Tingin niyo? (Para dun sa mga may kilala sa kanila)
Imbento?!
tssss. :/
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home