the world's a stage

August 23, 2005

Spirited Away

Hanep 'tong pelikulang 'to! Ang ganda! Pinanood namin 'to kanina. Ang galing talaga! Tama ang sabi ni Ms. Kathy, very poetic nga talaga. Tungkol ito sa iba't-ibang uri ng pagmamahal. Pero syempre, ang pinaka litaw pa rin sa lahat ng uri ng pagmamahal ay ang pagmamahal ng isang babae sa isang lalaki. Kinilig talaga ako kina Haku at Chihiro! Ang gwapo pa ni Haku! haha Biruin mo, talagang handang magsakripisyo si Chihiro para kay Haku. At dahil sa pagmamahal niya kay Haku, nawala ang sumpa na ibinigay ni Zeneba na dapat ay papatay kay Haku. Pag-ibig nga naman. Kaso nga lang, si Haku ay hindi isang tao. Siya ay isang espiritu. Siya ang espiritu ng ilog na minsang nagligtas kay Chihiro. Kaya naman parang kilala na nila ang isa't-isa nang magkita sila sa mundo ng mga espiritu. Si Chihiro naman ay isang tao. Heto 'yung nangyari sa pelikula. Sina Chihiro at ang kanyang mga magulang ay nagpunta sa isang lugar. Nakakita sila ng makakainan. Kumain ang kanyang mga magulang at naging mga baboy. Nang gumabi na, naglabasan ang mga espiritu. Hinahanap nila si Chihiro. Si Haku ang dumating para tulungan siya. Dapat ay tatawid sila sa tulay ngunit hindi siya maaaring huminga habang tumatawid dahil makikita siya ng ibang espiritu. Nang isang hakbang na lang ang gagawin niya, nagulat siya at biglang huminga. Kinailangan niyang kumuha ng trabaho sa lugar na iyon upang mailigtas ang kanyang mga magulang. Iyon din ang sinabi ni Haku sa kanya. Naging malapit sina Haku at Chihiro. Kinuha ni Yubaba ('yung masamang taga pamahala) ang pangalan ni Chihiro at ginawa itong Sen. Sabi ni Haku, kailangan tandaan ni Chihiro ang kanyang tunay na pangalan upang makaalis sa lugar na iyon. Nalaman ni Chihiro na si Haku ay tulad niya rin na kinuhanan ng pangalan ngunit hindi niya ito matandaan. Lumipas ang mga araw hanggang sa isang araw, nakita niyang nasaktan si Haku. Sinugatan ito ng mga papel na tila may buhay. Nagdudugo si Haku sa loob dahil na rin sa sumpa na nilagay ni Zeneba (ang kambal ni Yubaba). Nalaman ni Chihiro na may inutos na nakawin si Yubaba kay Zeneba at ang tanging paraan para matanggal ang sumpa ay ang puntahan si Zeneba at humingi ng tawad para kay Haku. Sabi ni Kamaji (isa pang kaibigan ni Chihiro) na delikado ito. Ngunit desidido si Chihiro na gawin ito para kay Haku. Nang magtanong si Rin (isa ring kaibigan ni Chihiro) kung bakit niya ito gagawin, sabi ni Kamaji "It's somethng you will never understand. It's what you call love." Tapos pumunta na si Chihiro kay Zeneba. Hindi naman pala nakakatakot si Zeneba. Mabait nga siya eh. Tapos nang tiningnan ni Zeneba ang golden seal na may sumpa, sinabi niya kay Chihiro na nawala na ang sumpa. At ang tanging magpapawala lang nito ay ang dalisay na pagmamahal. Maya-maya ay dumating na rin si Haku at sinundo si Chihiro. Habang naka sakay sa likod ni Haku (dragon si Haku) ay naalala ni Chihiro ang tunay na pangalan ni Haku. Si Haku pala ay isang espiritu ng Ilog na dating nagligtas kay Chihiro. Dahil dito ay maaari na ring maka-uwi si Haku. Nang makabalik sa lugar nina Yubaba ay mayroon siyang binigay na hamon kay Chihiro. Kung maka-pasa siya ay makakabalik siya sa mundo ng mga tao. Ngunit kung hindi ay mananatili siya sa mundo nila. Naka-pasa si Chihiro at naka-balik sa mundo ng mga tao. Naiwan si Haku sa lugar nila ngunit nangako kay Chihiro na magkikita sila ulit. awww hehe Hmmm...bitin 'yung pagtatapos. Hindi ipinakita kung nagkatuluyan nga silang dalawa. Nakaka inis nga eh! Gagawa na lang ako ng sarili kong pagtatapos: Nagbalik si Chihiro sa mundo ng mga tao. Si Haku naman ay pumunta kay Yubaba at hindi na nagtrabaho para sa kanya. Pinakiusapan ni Haku si Yubaba na maging tao at ito naman ay natupad. Nagkita ulit sina Chihiro at Haku at sila ang nagkatuluyan. haha Ang pangit! Hayaan na natin. Ang mahalaga, nagkatuluyan sila. hehe Pero 'di nga, seryoso ako, panoorin niyo! Maganda talaga siya!














waaaaa!! sina chihiro at haku!!!







heto si Haku bilang isang tao



heto naman si Haku bilang isang dragon





heto naman si Chihiro!


'Yan muna! Ang gwapo talaga ni Haku!!! hahaha

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home