umalis na sila..awww
Umalis na ang nanay at kapatid ko. Kahapon sila nakaalis. Dapat nga nung Biyernes ng gabi pa. Kaso nagkaroon ng engine trouble and eroplano na sasakyan nila. Kaya alas-onse sila ng umaga kahapon nakaalis. Kung kailan sila babalik, hindi ko alam. Basta ang alam ko, kapag gusto ni Anton umuwi, uuwi siya. Pero 'pag nagustuhan na niya doon, doon na rin siya. hehe Basta 'yun! Heto nga pala ibang litrato namin. :)
ako lang yan..haha
Kami ni Anton
Kami ni Areel
Kaming tatlo
kahapon...
Kuhanan ng cards kahapon. Masaya ako!!! May merit ako!!! yehey! :) Grabe! Salamat talaga ng marami kay Lord! Da best talaga si Lord! :) Sa mga naka tanggap ng merit, congrats sa inyo! Kay, Mikee, Mau, Dana, Jalvin (woohoo! Si Ibarra! haha), Joan, Mina(in love kasi sa kalbo! haha), Mica, Kristine, Carlene, Joy, Biney at sa tingin ko may isang tao pa kong nakalimutan, congrats!!! (pasensya, may memory gap ako.hehe)
kagabi...
Pagkatapos ng klase, pumunta kami kina Karmin kasi kaarawan niya. 15 na siya! hehe Ang dami nga namin eh! 12 kami! Sayang, hindi nakasama si Mau. hehe Gumala muna kami sa may park tapos kumain ng dinner. Tapos nun, gusto magpaka senti ni Karel kaya sumama kami kina Kiles (nakababatang kapatid ni Karmin na lalaki) at kay Roland (kaibigan ni Kiles) humanap ng gagamba o mag spider hunting. hehe Ang dilim ng mga daan sa San Jose 'pag gabi. Tanging flashlight lang ang dala namin. Wala kasing masyadong tao. Nakaabot kami sa may park. Pero walang nahanap na gagamba. awww At habang naglalakad kami ni Karel...parang timang si Karel! Hinuhuthutan ako ng impormasyon! haha Tapos, bumalik na kami sa bahay. Hindi pa nakuntento si Karel. Gusto pa daw niya mag senti. awww Sinama niya si Mela. Ayaw ko na sana sumama pero pinilit niya ko. Kaya sumama na rin ako. Naglaro kami nung 20 questions. Basta magtatanong ng 20 tanong na dapat sagutin. Ayun, medyo marami rin nalaman. Kaso hindi sila nakapag senti. Ako daw ba kasi ang isama nila?! Eh wala akong ginawa kundi tumawa! haha Tapos nung andun ulit kami sa may madilim na daan, grabeh! Nakakatakot! May 3 lalaki (parang mga adik nga eh! eek!) na nakasalubong namin. Tapos nahalata ko na nakatingin sila saming tatlo. Pagka salubong namin, sabi ba naman nila, "Hello pretty girls!" Grabe! Nakakatakot talaga! Parang mga maniac! Eek! Tapos nun, bumalik na rin kami sa bahay. Nagpatuloy sa pagsesenti sina Mela. Pumasok na ko sa loob kasi 'di naman ako ma-senting tao. hehe Tapos napanood namin 'yung video nung lalaking bawat salita sa kantang torn ay nilalagyan ng galaw. haha Astig! Gabi na ako nakauwi. hehe
hmmm...
Like o love? hmmm...haha It's for me to know and for you to find out. haha Gets to ni Mela. 'Di ba Mela?! haha :)
tula
May pinapagawang tula sa amin sa ELA. Dapat daw 4 na stanza, 4 na lina bawat stanza at 10 pantig bawat linya. Heto ang nagawa ko. :)
What is this feeling i just can't explain?
I thought of you like I would always do
And then a smile was edged onto my face
My body quivered and my heart felt bliss
You opened you heart and in a moment
I felt so nigh to you and you to me
but there in you heart, i saw her not me
Once again, I was crushed and I felt numb
I can't escape from this reality
you, who always meant the whole world to me
Will always be the same you who pains me
And though it hurts this much, I let it be
This feeling I have, now I know it's love
Yes, I love you, how I wish you do too
Cause no matter how I try to fight this
Everything I do just leads me to you
Ano? Ayos ba o dapat kong baguhin?!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home