the world's a stage

August 21, 2005

awww

Hanggang ngayon ay may hang-over pa rin ako sa Kim Possible. haha 'Di naman halata na adik ako noh?! hehe May naalala akong sinabi ni Ron kay Kim. "You don't need to look somewhere else to find someone who likes you. You can look just there...or here." awww Pero tulad ng dati, hindi 'yan ang saktong sinabi niya. hehe Basta! Gusto ko talaga silang dalawa! :)

Wala siya...

Wala siya kanina. Hindi ko siya nakita. Bakit ba ganun? Pasulpot-sulpot siya palagi. Sa bagay, hindi ko naman hawak ang schedule niya. hehe Hayaan mo na nga.

La Salle!

Talo nanaman ang La Salle sa FEU. Ang nakaka-inis, isang puntos lang ang lamang ng FEU at sa La Salle pa ang huling bola. May mga 15 segundo pa, mga 3 beses ang chansa para maka-shoot. Pero sinayang nila 'yun! Hay, talaga naman! Sa unang quarter, 9-24 ang score pabor sa La Salle. Anong ginawa nila? Nagpahabol sila hanggang sa maunahan sila ng FEU sa puntos! Pero sa totoo lang, maganda 'yung laban kanina. Gitgitan kaya nakakatuwa panoorin. Pero mas masaya sana kung nanalo nga ang La Salle. Pero sa totoo lang ha, ang galing ng laro nila Joseph Yeo, Ryan Arana, Jayvee Casio, Ty Tang at Rico Maeirhofer (okay, pasenya na kung mali spelling ko kay Rico Ma--- something. hehe) Basta! Ang galing ng asawa ko! hehe Si Joseph Yeo ang tinutukoy ko dun ha! hehe

may bago akong mahal...

Kilala niyo kung sino? Isang clue: maliit siya! Mali 'yang iniisip niyo. haha Pangalawang clue: Minsan lang siya magsalita pero makulit! Alam niyo na? Hindi pa?! Huling clue: Hubad siya! Kilala niyo na?! Sirit?! Si rufus! haha Wala lang! :)

pano nga kaya?

Naisip ko lang, pano nga kaya kung naniwala ako dati sa isang salitang 'yun? Naisip ko 'yung pag-uusap namin dati. Hindi ko siya sineryoso. Hindi ko sineryoso 'yung isang salitang 'yun. Hindi ako naniwala. Pero pano nga kaya kung naniwala ako? May magbabago kaya? Hindi ko maiwasang maisip kung ano ang maaaring mangyari kung ganun nga. Kasi naman, nung sinabi niya 'yun, may mga bagay na nag-iba. Andyan 'yung gagawin niya 'yung mga bagay na hindi naman niya normal na ginagawa. 'Yung tipong magtetext sa'yo ng walang dahilan. Naalala ko ginawa niya 'yun pagkatapos ng exam namin. Nagtanong kung kamusta daw. Nagulat nga ako nung ginawa niya 'yun kasi hindi nga siya ganun sa akin. Halos buong araw kami magkausap. At nasundan pa 'yun. Pero kung gaano ka bilis 'yung mga pangyayaring 'yun, ganun din kabilis na nawala. Hindi ko nga alam kung totoo 'yung isang salitang binitawan niya eh. Hindi ko na rin tinanong. Nung hindi ako naniwala sa kanya, iniba niya 'yung salita at napaltan ng isa pa. Hay, basta! Bahala na nga...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home