the world's a stage

August 20, 2005

Kim Possible!

Kanina pa ako nanonood ng Kim Possible So The Dramathon. hehe Kanina pa naka bukas ang aming telebisyon at malapit na itong mag welga. haha Sa wakas! Masasagot na rin ang tanong ko kung may gusto si Kim at Ron sa isa't-isa! Yehey! Basta ngayon ang alam ko, may gusto si Ron kay Kim. Eh si Kim kaya?! Hmmm..malalaman natin yan! Malapit-lapit na!!! 19 minuto na lang!! woohoo!! Okay, ang babaw ko na. hehe

Rakestra

Napakinggan ko ang Rakestra kagabi sa Campus Radio. Hanep! Ang galing talaga! Astig! Nagsama ang rock at orchestra pero ang ganda! Ang ganda nung Akap ng Imago nung tinugtog nila. Pati 'yung Burnout ng Sugarfree! Ang galing talaga! Hanga talaga ako, sobra! Tapos nakakatuwa si Ebe nung sinabi niya na, "para sa'yo to...kahit 'di na kita nakikita, para sa'yo to" Hindi 'yan ang eksaktong sinabi niya, pero parang ganyan. 'Yan 'yung susunod nilang tutugtugin ay 'yung Burnout na. Magandang kanta 'yun! Buti nga at narinig ko ulit eh. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi naririnig. Sa totoo lang, nakalimutan ko na pati kung paano 'yung tono. Pero salamat sa Rakestra at naalala ko. hehe Heto 'yung lyrics.

Burnout
Sugarfree


O wag kang tumingin
ng ganyan sa ‘kin
wag mo akong kulitin
wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
ako rin ay nagbago
di na tayo katulad ng dati
kay bilis ng sandali

O kay tagal kitang minahal

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
teka muna teka lang
kailan tayo nailang

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
kay bilis kasi ng buhay
pati tayo natangay

O kay tagal kitang minahal

Tinatawag kita
sinusuyo kita
di mo man marinig
di mo man madama

O kay tagal kitang mamahalin
O kay tagal rin kitang mamahalin

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home