the world's a stage

August 18, 2005

sa wakas, nabawasan na

Nabawasan na rin ang depresyon ko. Bakit? Dahil una, medyo mataas naman ang nakuha kong marka sa exam sa Chem. 71/80. Pwede na 'di ba? Pangalawa, hindi naman pala 85% ang pinaka mataas na grado sa Chem. 90 pala! Alam kong hindi ako 'yun pero masaya na ko! Dahil kung 85 'yung pinaka mataas, malamang 80 na lang ako. Eh ngayon na 90 na, malamang na mga 85 ako. Yehey! :) Masaya na ko sa ganun. Pero hindi pa rin ako kontento. Pangatlo, meron na kaming hands-on sa Computer, ibig sabihin, kapag nag exams na kami ngayong ikalawang markahan ay 10% na lang 'yun! 'Di tulad noong unang markahan na 30% ang exam. Hay, mahal talaga ako ni Lord! Nagkaroon ako ng pag-asa na mga 1% lang. 1% pag-asa na magkakaroon ako ng merit. Hindi na ko aasa ng ganun kalaki kasi baka mabigo nanaman ako pag nalaman kong hindi ako makakatanggap nun. Pero hindi ko maiwasan na sumagi sa isip ko na SANA, sana lang talaga makakuha ako. Sabi ko nga kay Lord, kahit saktong 90 na lang. Wala na kong pakialam sa ranking sa klase. Ang akin, makakuha ng merit. Pero mukhang 'di pa rin posible. May iba pang mga asignatura na dapat alalahanin. Andyan pa ang Geometry at ang World History, isama mo pa ang TLE. Oo nga pala, panlimang dahilan kung bakit nabawasan ang depresyon ko ay dahil nadagdagan ako ng puntos sa exam ko sa Geom. hehe Masaya na ko doon! Kahit konti lang tinaas nun, basta tumaas! Buti na lang at medyo masaya naman pa lang magtatapos ang linggong ito. Akala ko puro depresyon ang mararamdaman ko eh! :)

masakit na sa taenga

Pagdating ko sa bahay, narinig ko agad ang bulyawan ng aking mga magulang. Sa bagay, sanay na naman ako eh. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto at segu-segundo na lang ganun sila. Pero masyado ng masakit sa taenga eh. Nakaka bingi na! Nakaka irita sila, parang mga bata. Biruin mo, pati shampoo ng kapatid ko eh pinag-aawayan pa! Ultimo shampoo ha! 'Di ko na talaga alam ang patutunguhan ng pamilyang 'to. Oo nga pala, baka nakakalimutan ko, wala na nga palang pamilya dito.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home