the world's a stage

November 06, 2006

alam mo ba?

Alam mo, may isang taong nagsabi sakin ng kung ano. At naiinis ako. Naiinis talaga ako. Kasi naman, 'di na naman kailangan pang ikwento sakin 'di ba? Ayan nanaman tuloy. Alam mo bang buong araw ko nanamang inisip 'yun? AT AYOKONG NAG-IISIP NG MGA GANUNG BAGAY. Dahil kapag nag-iisip ako ng ganun, kung anu-anong pumapasok sa utak ko na hindi maganda. Bangungot.

Hindi ko alam kung sa pagkakasabi lang sakin o talagang ganoon ang nangyari. Hindi naman totoo 'yung sinabi mo. Nakakainis ka talaga. Tingin mo ganun, ha? Pakamatay ka na lang kaya? Hanggang ngayon tingin mo ganun ako? Ganun ako sa pakikitungo sa'yo? Ewan. EWAN. Hindi ko alam kung pinanganak kang walang alam sa paligid mo o pinipili mong huwag tingnan ang mga naka palibot sa'yo.

Bahala ka na nga. Goodluck naman sa'yo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home