today, i flew
I was able to fly! We had this thing for Physics. It's circular motion, if I'm not mistaken. Because of that, I was able to fly.
Mga Tula
Akong panulat ng mga guro at bata
Sa paaralan man o maging sa kalsada,
Akong puti na kadalasang gamit
Nararamdaman ang inyong pagtalikod sa akin
Akala niyo ba’y hindi ko ramdam
Na ang mga marka ko’y pinandidirihan?
At sa bawat pagbura ng aking mga guhit,
Ako ay iniiwasang pilit?
Tila ba ketong ang dulot ng aking mantsa
Hindi pa kuntento, ako’y inaalipusta
Kapag naputol, tatawaging tanga
Kapag nahulog, ako pa rin ang may sala
Pakiramdam ko’y ako’y walang kwenta
Kahit na alam kong sa aki’y maraming umaasa
Ngunit ako’y nanliliit, mas maliit sa dinurog na ako
Na sa isang ihip, sasama sa hangin at maglalaho
Hindi niyo ba alam ang sakit na nadarama
Sa tuwing ako’y idiriin at ipapansulat sa pisara?
Parang binugbog, maraming gasgas ngunit di pinapansin
Ito’y kaya pang tiisin nitong katawan kong inyong inaangkin
Dahil wala ng mas sasakit pa
Sa malaman na ika’y binabalewala
Na sa pakinabang ko at bawat pagguhit
Sa aking panliliit ay walang sumasagip
Masakit malaman na sa aking paglisan
Tila ba ako’y hindi napakinabangan
Sino ba sa inyo ang nakakaalala
Sa bawat tisa na inyong inalipusta ?
Ngunit kahit ako’y ulit-uliting durugin
Hindi ko magawang kayo ay sisihin
Dahil ano nga ba ako ? ako’y isang tisa lamang
Hindi ginto, isang puting bagay na nagiging alikabok
Kung kayo man ay napuwing at aking nasaktan,
‘di sinasadya, ngunit marahil ito’y pagpaparamdam
na ang sakit na nadarama ko’y ‘di tulad ng sa inyo
na agad nawawala sa pagpikit ng mata at muling pagbukas nito
Ngunit kahit ganito, ako’y mayroong panata
Isang panata na hindi kailanman masisira
Hanggang ako’y inyong kailangan, ako’y mananatili
Hangga’t ako’y kailangan, ako’y magsisilbi
Dahil ako ay masaya na habang ako’y gamit ninyo
At na sa bawat markang dulot ko
Sa guro, estudyante at maging sa’yo
Ako’y mananatili sa alaala ninyo
Dahil sino bang tao ang hindi nakakaalala
Ng mga karanasan sa eskwela at kalsada
Na kapag binalikan ay naghahatid saya
At ang dahilang ito sa akin ay sapat na
Hangga’t may nagtuturo at naglalaro ng piko
Ako’y mananatili, walang halong biro
Ako’y nangangako na kahit maging abo
Hindi patatangay sa hangin ang markang iiwan sa inyo
Naririnig mo ba?
Kaya mo bang ipinta
Ang musika
Na napaka ganda?
Bat di subukan
Ipikit ang mata
Makinig ng mabuti
At sumabay sa kanta
Nadarama mo ba
Ang nais ipahiwatig
O nais iparating
Ng bawat notang naririnig ?
Hindi mo ba alam na sa pagtugtog
Ng bawat tiklado
Ay mayroong damdaming
Sa’yo ipinararating?
Kaya’t makinig ng mabuti
Ako’y tutugtog
Gagawa ng musika
At sayo’y ihahandog
Iingatan ko
Ang pagdiin
Ng aking mga daliri
Sa bawat tikladong tutugtugin
Ipikit ang iyong mga mata
At ikaw ay maghanda
Lasapin ang bawat nota
Na aking ipadarama
Halina, sabay tayong maglakbay
Umalis sa ating mundo, tayo ay lalayo
Doon tayo tutungo
Sa lugar kung saan tayo magtatagpo
Sa pagmulat ng mata
At pagtigil ng musika
Kasabay kang naglaho
Isa na lamang alaala
Sinubukan kong tumugtog muli
Ngunit sa bawat pagdiin ng daliri
Ang mga tiklado’y
Di na tulad ng dati
1 Comments:
maganda,.yun lang!
just simple,.
but optimistic!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home