one big fight!
One big fight for Mikee Lee! > I think he's the most deserving to be the teen big winner of PBB. Bakit? Am I being biased because I like him? If you think so, then so be it. But there are reasons as to why I would like him to be the big winner.
Why would I like Mikee to win? He's the quiet one, the one whom they say doesn't need the money, the one who doesn't know how to dance well and the one who doesn't have the "x-factor" to be a star. So why Mikee Lee? Let me start by telling you that PBB is not a show like Wowowee. Meaning, money isn't supposed to be a hindrance for a housemate to win. Kung dahil lang sa kakulangan sa pera kaya mananalo ang isang housemate, hindi naman yata patas 'yun. Kung gusto nilang lagi na lang 'yung nangangailangan ng pera ang manalo, baka naman mali ang pinuntahang show. Baka nga dapat sa Wowowee sila nag-audition. Second, PBB is not a reality talent show. Hindi naman ito SCQ o Starstruck. Hindi mga artista ang hinahanap dito. Sa pagkakataong ito, isang huwarang kabataang Pilipino ang hinahanap. At ito mismo ang dahilan kung bakit si Mikee ang nais kong manalo.
Para sa akin, pinakita ni Mikee kung paano maging isang huwarang kabataang Pinoy. I believe he inspired a lot of teens. Isa na ako doon. He's a well rounded person. As he said, he's good in academics but he's not a nerd. He's a teen who wants to make a difference and he believes that he can. Hindi lang niya sinasabi na gusto niya makagawa ng pagbabago, naniniwala siya na kaya niya at unti-unti niya itong ginagawa. Mahal niya ang bansang Pilipinas. He speaks his native tongue and he said, "hindi naman ibig sabihin na kapag marunong kang mag-english, matalino ka." Tanggap niya na hindi siya perpekto. Sinabi niya na maaaring nabiyayaan siya ng talino ngunit hindi naman ibibigay ng Diyos lahat ng talento sa kanya at tanggap niya ito. Totoong tao siya. Kapag naiiinis siya, pinapakita niya. Sinasabi niya kapag nasasaktan siya. Tahimik siya pero kapag nagsalita, mayroong kabuluhan. Mabuti siyang kaibigan. Alam niyang walang taong perpekto kaya iniintindi niya ang mga ugali ng kanyang mga kaibigan. Marami rin siyang naipakita sa loob ng bahay. Hindi lang siya 'yung tipong pa-cute. (Pasensya na kung may Kim, Gerald and Clare fans na nagbabasa nito pero 'yung lang naman ang obserbasyon ko.) Sa tingin ko kasi kaya maraming may gusto kay Kim ay dahil bukod sa maganda siya, magaling rin siyang kumanta at sumayaw. Pero sapat na bang dahilan 'yun para gawin siyang big winner? Sa tingin ko kasi, dapat ay may mas malalim pa na kahulugan ang pagiging teen big winner. Higit pa sa mukha, talento, at talino, naniniwala ako na ang big winner ay dapat na magandang halimbawa sa kabataan. 'Yung hindi sumusuko sa mga gawain kahit gaano pa kahirap. 'Yung nagbigay ng inspirasyon sa kabataan upang mas maging mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas. Isang huwarang kabataan Pinoy. At naniniwala ako na ito ay si Mikee.
I want to share something to you. I got this from the PBB thread in PEX.
Ang Big Winner ko:
Who played the game to the best of his ability, game sa lahat ng task, good natured at hindi pikon, nakapagdadala ng ngiti sa manonood, at well rounded ang personality.
Yung taong nagpakita ng pagiging survivor--- optimistic sa mga pagsubok, open ang attitude sa mga sitwasyon at bagay bagay, at imbis na magmukmok sa isang tabi, that person makes the most out of what is handed to him. Hindi nagpapabiktima sa pangyayari, dahil ang attitude niya ay hindi pa-victim. Marunong magtawa sa sarili, at nakikita ang humor sa sitwasyon kahit gano kadilim.
Marunong sa buhay, hindi lang sa eskuwela. Mulat sa nangyayari sa paligid, may karanasan sa hirap pero hindi ito naging dahilan para mabahiran ng lungkot o negatibismo ang pagkatao. Hindi iyakin at hindi reklamador, gawa lang ng gawa kaya nanghahawa ng inspirasyon sa iba.
Mukha lang ang puhunan nang pumasok, pero pinatunayan niyang ang pagka-cute ay pang-ibabaw lang. Underneath the harmless veneer are nerves of steel, guts, and the will to win.
Want to know more about him? Go to his blog. http://meltingpen.blogspot.com